hiwa
nagbubukas ako ng luncheon meat.. ung de-pihit.. habang kausap ko si eunice lozada.. aba! naputol ung pangpihit! grr! so binabaan ko na muna si eunice, kasi gutom na gutom na talaga ako! eh di yun na, tinry ko buksan nung can opener kaso ang hirap kasi rectangle ung dulo.. una natamaan ako nung medyo bukas na na part... okay lang kasi naman maliit lang... tapos na tusok naman ako... ang tanong, ng ano? ewan! tapos eh di nanggigigil na ko sa gutom, naglabas na ko ng kutchilyo! shiyet! nahiwa naman ako nang malalim.. as in yuckie sa lalim nung hiwa! agos eh! grabe! :D sumisigaw ako kay ate, 'ate ate dugo!' hindi ako pinansin so inakyat ko yung tumutulong daliri ko sa kwarto tas pinagalitan nya ko kasi daw bat inakyat ko pa yun! nilagyan nya ng walang kamatayang betadine.. tpos 'ban-eyd'.. ayun.. gutom parin ako.. ginawa ko na naman ung kanin na nilalagay ko sa lyanera ng leche flan tapos lalagyan ko ng queso tapos itu-'turbo' ko kasabay nung kung anumang ulam ang gusto ko, sa ngayon, yun ngang luncheon meat.. hindi na nga pala ako nagpiprito kasi takot ako sa talsik ng mantika! nasugatan na nga ako ng tatlong beses, magpapatalsik pa ba ako ng mantika?! chubra ka naman!galit pa din ako sa'yo! kahit ganito na post ko..
|