second tagalog post.. shiyet! pengeng tissue!
nung dumating ang mga pinsan ko hindi na natapos ang kaka-english ko! sakit kaya sa ulo! pangatlong araw na nila ngayon dito. at grabe na ang pagdurugo ng ilong ko!
nung unang araw, wala pa akong ka-warm up warm up, aba, nagpagawa ng website ang isang pinsan ko.. ayos lang sana, bigla ba namang pina-explain! hindi pa nga ako nagiinit eh, pinapahirapan na ako agad! dinaya ko nalang yung dalawa, ginawan ko nang mabilisang 'website' sa multiply.. kung gusto niyo sila makita, nasa kaliwa(?) - left, hehe! - yung link ng multiply ko... yung isa ang pangalan Christian tapos yung isa naman Justin tapos parehong De los Reyes... baka lang naman gusto niyo silang imessage.. :D ayos naman nung mag-gagabi na.. nakatulog na si justin, tapos ginawa ko kay Ian/Christian binagalan ko yung pagdownload namin nung MythWars sa pagdadownload ng iba pang malalaking files para makatulog na rin siya sa antok.. ayun! success naman!
ang hirap pa naman dun sa isa medyo mahina magsalita, kaya ako naman oo nalang ng oo sa kanya.. kaya kahapon nung um-oo ako sa kanya nagtaka sya... yun pala tinatanong nya ko kung kaninong kama daw yung hinihigaan nya.. fine fine! namimiss ko na rin ang tagalog! hehe!
kahapon pa pala pumunta yung dalawa sa isa ko pang tito na halos kapitbahay lang namin, andun sila naglalaro ng PS3/2 ewan ko ba kung anung play station meron sila dun.. sabi ko pa naman sa sarili ko 'ayos to ah! libre sa english ngayon! woohoo!'.. nabati tuloy! pumunta sila dito, para dito samin kumain... ayos naman.. umalis si Ian, si Justin naman nagpaiwan sakin (naman! :D).. nakatulog na ulit si Justin sa kama ko.. whew! tapos ba't ba sa lahat ng bagay pumayag akong makipagchat kay Ian kahit nasa kabilang bahay lang siya?! argh! ayon! hindi nakuntento sa pag-type.. tumawag pa! hehe!
inaabangan ko nga ang pagdating ni Andre.. yun naman ingglisero din pero ang maganda sa kanya nakakaintindi ng tagalog.. dati nga ang purpose nya samin translator.. sige.. pag napagod na talaga ako, gagamitin ko ulit sya... :D hehe!
miss ko na tong mga pinsan ko na toh..
buti nga hindi kasama lahat nung mga pinsan ko eh.. iniisip ko palang namumutla na ko eh... 9 yung nasa states na mga tito't tita ko.. sa isang tito/tita, may tatlo-pataas na bilang ng anak! shiyet! tama na po! okay pa sana kung sa kakaenglish ko eh nangangayayat ako, ay nako! ako pa mismo pupunta dun sa states! hehe!
|