WARNING: naglalabas ako ng sama ng loob sa post na to, so baka ma-bored lang kayo, wag niyo na basahin.. seriously...
last week, ang sabi, mag-aapply na daw ako sa la salle... ngayon naman, mag-eenroll daw ako sa adamson! nakakainis na talaga! BOBO BA KO?! bakit ba sa tuwing makikita nila ang grades ko, wala silang ibang alam gawin kundi laitin yun, "1.5" ang lowest ko! 90!? 90 na yun! wala nang ibang lumabas sa mga bibig nila kundi 'aba, pano kaya nangyari yun?', 'malamang 1.2 ka jan, nung summer mo kinuha yan eh', 'aba! anong klaseng math ba tinuturo sa inyo at ganito ang grade mo?'! nakakapikon na kasi, na sa lahat ng ginagawa ko hindi man lang ako makatanggap ng puri sa kanila! sa lahat ng tao, kaya naman hindi ako nagtitino eh! linisin ko kwarto ko, dudumihan ng napakabait kong kapatid, hindi papansinin! pag naman ako nagparumi sa kwarto ko, walang tigil sa kakapagalit sakin! ilang linggo na kasi akong nagtitimpi, pero sobra na talaga yung sinabi nya kahapon... nasa MOA kasi kami kahapon.. kasama ko ang mabait kong ate at nanay, ang tita at pinsan ko... naglalakad kami kung saan-saan para maghanap ng mabibili. pabiro akong nag-inis-inisan kasi hinahanapan ng sapatos at blouse pang-defense si ate, tinatamad naman kasi akong maghanap ng ipapabili ko. tapos sumagot din naman ng pabiro si ate, 'ikaw nga mag-la la salle e'... big deal kasi samin ang la salle, syempre ang taas kasi ng tuition... although pabiro naman, sobra na kasi na araw-araw kong naririnig to 'wag ka mag-alala, hindi rin naman sya papasa dun eh'! tama bang biro yan?! sa harap ng tita at pinsan ko! palagi nalang kasi ang labas, BOBO ako, si ate matalino! si ate pinag-Philippine Science HS, pero ako kaya lang naman ako pinag-aral sa SJA kasi dun lumipat si ate eh.... si ate pinag-exam sa UP, pero ako nung tinanong ko kung mag-eexam din ako dun... tumawa lang ang nanay ko! nakakapikon na kasi na tingin sa kin ng mga tao dito BOBO ako! HINDI NAMAN AKO BOBO! nakakatulig na rin na sa tuwing i-coconfirm ko kay mama kung mag-aapply na ako sa la salle, ang sagot niya 'pano kung hindi ka pumasa?'... at sa tuwing makakakita ng nursing na studyante ang mama ko, hindi nya papalagpasing sabihin 'eto kasi bobo eh, nagshiftshift pa! ang tanga tanga! kung tinuloy niya na yan, dapat (isang taon na lang) magreretire na ko eh!'
SINO BA KASING NAGSABI NA GUSTO KONG MAGNURSING?! SINO BANG NAMILIT NA MAG-ARAL AKO SA SAN JUAN?! UMPISA PALANG SINASABI KO NANG GUSTO KONG MAGLASALLE TAPOS NGAYON SISISIHIN NIYO KO KUNG BAKIT HIRAP AKONG MAGTRANSFER DUN!? PUTANG-INA! PALIBHASA KASI PURO MGA DIKTADOR KAYO! PURO KAYO TAMA! MASYADO KASI KAYONG MAGAGALING!
|