All My Life I Prayed For Someone Like You And I Thank God That I..That I Finally Found You All My Life I Prayed For Someone Like You And I Hope That You Feel The Same Way Too Yes, I Pray That You Do Love Me Too

Thursday, December 20, 2007

loko un ah!

so kanina na-interview na ko ng vice dean ng CCS.... okay naman, simple lang ung mga tanong, simple lang din naman ung mga sagot ko... english ngalang (ayaw na nga matanggal ng dugo sa panyo ko eh) madadali lang ung mga tanong, kasi halos puro mga personal na tanong lang naman. medyo relaxed na ko nung kalagitnaan kasi nga nagtatawanan na kami nung vice dean, aba, bigla ba namang bumanat ng 'what is a program?'! kaloka kaya yun! madali kung sa madali ang tanong na to, pero kung dumaan kang - katulad ko - sa sobrang pagkakakaba at tensyon, eh hindi magandang biro ang pagtanong ng ganyan! ehehe! in fairness nasagot ko naman sya base sa 'natutunan' ko sa ITC sa adamson, tulala ngalang ako ng mga ilang sandali! natandaan ko pa nga napa-'puta!' ako sa utak ko eh! pero nasagot ko promise! medyo nawindang lang ako at biglang nag-iba ung klase ng tanong! hehe! pero ok naman! sana tanggap na, tatawag nalang daw sila eh... sana nga masabi ko na nang tuluyan ang 'animo lasalle!'... hehe! :D